US Embassy sa Maynila, kinansela ang lahat ng visa interviews hanggang May 31
Kinansela ng U.S. Embassy sa Maynila ang lahat ng immigrant at nonimmigrant visa interviews na naka-schedule hanggang May 31.
Ito ay bunsod pa rin ng muling pagpapalawig ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dulot ng COVID-19.
Magbabalik naman anila ang routine visa services ngunit hindi pa sila makakapagbigay ng petsa sa ngayon.
Maaari namang magpa-reschedule ang mga apektadong aplikante kapag naialis na ang ECQ sa Metro Manila.
Maaaring tumawag sa Embassy call center sa numerong +63 (2) 7792-8988 at +63 (2) 8548-8223.
Pwede ring gamitin ang kanilang online appointment system sa ustraveldocs.com/ph.
“There is no fee to change an appointment and visa application fees are valid for one year in the country where the fee was paid,” dagdag pa ng embahada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.