Bilang ng Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, umakyat na sa 1,337

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 25, nasa 1,337 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 43 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 825 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 328 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

184 naman ang bilang ng Pinoy abroad na nasawi dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 413 na kaso.

Kapwa umabot naman sa 327 ang confirmed COVID-19 positive na OF sa Asia Pacific Region at Americas.

Sa Middle East/Africa, nasa 270 ang naitalang kaso.

Read more...