Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Davao City, umabot na sa 101
By Angellic Jordan April 25, 2020 - 03:29 PM
Sumampa na sa mahigit 100 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Davao City.
Ayon sa Davao LGU, batay sa datos ng Southern Philippines Medical Center hanggang 8:00, Sabado ng umaga (April 25), 101 na ang tinamaan ng COVID-19 pandemic sa lugar.
Sa nasabing bilang, 33 ang aktibong kaso.
Samantala, 50 residente naman sa Davao City ang napaulat na gumaling na sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.