Tatlo ang nasawi sa Venezuela dahil sa kumplikasyon ng Zika.
Ayon kay Venezuela President Nicolas Maduro, ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ng pagkasawi ang bansa dahil sa nasabing sakit.
Sinabi ni Maduro na mayroong 319 na kumpirmadong kaso ng Zika sa bansa. Sa nasabing bilang 68 na pasyente ang may kumplikasyon at nasa intensive care unit.
Simula naman noong buwan ng Nobyembre, nasa 5,221 ang suspected Zika cases sa Venezuela.
Una nang sinabi ni Venezuelan Health Minister Luisana Melo na nakapagtala din sila ng pagtaas sa kaso ng Guillain-Barre syndrome na isang neurological disorder at nagdudulot ng pagkaparalisa sa pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.