Batay sa datos ng Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang April 25, nanatili sa 58 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Sinabi rin nito na walang bagong naitalang gumaling na pasyente at nasa 24 pa rin ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa probinsya.
Samantala, isa naman ang pumanaw dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang nasawi ay 63-anyos na lalaki at residente sa Roxas City, Capiz.
Sa ngayon, nasa siyam na ang nasawi sa probinsya.
MOST READ
LATEST STORIES