Dahil marami na ring Filipino sa ibang bansa ang nawalan o nabawasan ang kabuhayan, inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbagsak ng cash remittances.
Ayon kay BSP Asst. Gov. Iluminada Sicat, ikinokonsidera na rin ang pagbabalik-bansa ng maraming OFW kayat bababa pa ang cash remittances mula sa ibang bansa.
Aniya, maaring 0.2 hanggang 0.8 percentage point ang maging pagbaba.
Una nang inihayag ni BSP Gov. Benjamin Diokno na nakakakita lang siya ng dalawang porsiyentong pagtaas at noong 2019 ang cash remittances ay tumaas ng 4.1 porsiyento na may katumbas na $30.133 billion.
Noong nakaraang Enero umangat na ng 6.6 porsiyento o $2.64 billion ang overseas Filipinos’ remittances kumpara sa $2.48 noong January 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.