Maximum na temperatura sa Metro Manila umakyat sa 35.8 degrees Celsius
Umabot sa 35.8 degrees Celsius ang maximum na temperatura sa Metro Manila ngayong Biyernes, April 24.
Ang nasabing temperatura ay naitala sa Science Garden ng PAGASA sa Quezon City.
Mas mataas ito kumpara sa 35.2 degrees Celsius na naitala noong Huwebes, April 23.
Habang umabot naman sa 39 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa Metro Manila ganap na alas 2:50 ng hapon.
Payo ng PAGASA kapag sobrang init ng panahon ay iawasan ang pag-ibom ng kape, tsaa o soft drinks sa tanghali at hapon.
Iwasan din ang physical activities kahapon tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.