Teaching at non-teaching personnel ng mga public school sa Maynila tumanggap ng P5,000 ayuda
Binigyan ng tulong ang mga teaching at non-teaching personnel ng public schools sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso, P5,000 na tulong-pinansyal ang ibinigay sa laht ng teaching at non-teaching personnel.
Sinabi ni Manila City Schools Division Superintendent Dr. Maria Magdalena Lim ang nasabing halaga ay pumasok na sa ATM ng mga nagtatrabaho sa public schools.
“The P5,000 financial assistance for teachers and non-teaching personnel are already in their ATM,” ayon kay Lim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.