Ang anunsyo ay ginawa ni Cebu City Mayor Edgardo Labella sa kaniyang Facebook Page.
Ayon kay Labella, sa 24 na bagong kumpirmadong kaso, 20 ay mula sa city jail na nasa Barangay Kalunasan.
Sa ngayon umabot na sa 149 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang jail facility.
Ang apat pang bagong kaso sa Cebu City ay mula sa Barangays Mambaling, Labangon, Guadalupe, at Luz.
Sa kabuuan, ang Cebu City ay mayroon nang 352 na kumpirmadong COVID-19 cases at nananatiling may pinakamaraming kaso sa Central Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES