Pumanaw na empleyado ng DPWH positibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 11:42 AM

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mayroong COVID-19 ang empleyado nilang pumanaw kamakailan matapos makaranas ng diarrhea.

Ang nasabing empleyado ay kabilang sa mga empleyado ng DPWH na nagtulung-tulong para mai-convert ang PICC bilang quarantine facility.

Ayon kay DPWH Build Build Build Committee chairperson Anna Mae Lamentillo, kinumpirma sa kanila ng RITM na positibo sa COVID-19 ang nasabing empleyado.

Bago pa lumabas ang resulta ay pumanaw na ang empleyado.

Tiniyak naman ng DPWH na binigyan ng tulong ang pamilya ng pumanaw.

Nagsasagawa rin sila ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID patient, COVID-19, department of health, DPWH, dpwh employee, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID patient, COVID-19, department of health, DPWH, dpwh employee, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.