Sitwasyon sa bansa maibabalik sa normal sa pagtutulungan ng lahat ayon kay Majority Leader Romualdez

Tiwala si House Majority Floor Leader Martin Romualdez na kayang bumalik sa normal ang sitwasyon ng bansa sa pamamagitan ng suporta at pagtutulungan ng mga Pilipino at ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Romualdez, co-chair ng House Defeat Covid-19 Committee na Bagamat walang nakakaalam kung gaano pa katagal ang dapat na hintayin bago makabalik sa normal ang lahat, tiwala ito na sa pagtutulungan ng mga sangay at ahensya ng gobyerno ay matatapos din ang krisis.

Nagtatrabaho aniya ng husto ang Duterte administration at ang Kamara para sa pagapruba ng economic stimulus package na siyang titiyak sa pagpapatuloy ng mga negosyo at pagpapanatili ng mga trabaho sa kabila ng pandemic.

Bukod dito, maraming oras at panahon na rin ang iniaalay ng mga siyentistang Pilipino para sa pag-develop ng bakuna laban sa COVID-19.

Hinimok din ng kongresista ang mga Pilipino na makinig, suportahan at makipagtulungan sa mga panawagan at programa ni Pangulong Duterte para tuluyang mawala na ang COVID-19 sa bansa

 

 

 

 

 

Read more...