Gobyerno gumastos na ng P352.7B sa pagtugon sa COVID-19
Umabot na sa kabuuang P352.7 billion ang nagastos ng pamahalaan sa pagtugon nito sa problema sa COVID-19.
Ayon ito ay Department of Finance (DOF) secretary Carlos Dominguez III.
Ayon kay Dominguez, sa P4.1 trillion na 2020 national budget, ay mahigit P352 billion na ang nagastos dahil sa COVID.
Bagaman sinabi ni Dominguez na may sapat na pondo ang pamahalaan ay nanganganib na ang budget.
Mayroon aniyang pera pero walang otorisasyon ang gobyernong gastusin ito.
“So far sufficient yung cash natin pero naipit tayo sa budget allowance natin. Yan ang problem natin ngayon, may cash tayo pero wala tayo authority gumastos ng ganun kalaki,” ani Dominguez.
Nangangamba naman si Budget Sec. Wendel Avisado kung magkakaroon ng second wave ang COVID-19 at ito aniya ang isa sa mga dapat na paghanadaan.
Sa ngayon ay nagsasagawa na aniya ng forward planning para dito dahil manangangailangan ito ng mas malaking pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.