Mass testing isasagawa sa Sampaloc, Maynila ngayong maghapon
Magsasagawa ng mass testing ngayong maghapon hanggang bukas sa Sampaloc, Maynila habang nakasailalim ito sa hard lockdown.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na magkakaroon ng massive testing gamit ang swab testing at rapid testing kits.
Gagamitin aniya ang world standard na swab testing at ang iba ay gagamitan naman ng rapid testing kits.
Ang mga agad na matutukoy na PUIs ay dadalhin sa Delpan Quarantine Facility para sila ay maihiwalay sa nakararami.
Sa sandali namang mayroong magpositibo ay agad dadalhin sa Ninoy Aquino Stadium.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.