IATF inirekomendang sa Setyembre na gawin ang pagbubukas ng klase

Sa Setyembre na dapat gawin ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2020-2021.

Base ito sa rekomendasyon ng Inter Agency Task Force ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque kahit pa sa mga lugar na moderate o low risk lamang, dapat ay panatilihin ang 100 percent na closure sa mga paaralan.

Ito ay dahil maituturing na ‘transmitters’ ang mga kabataan mula edad 0 hanggang 20.

Ani Roque ang higher education naman sa mga lugar na sasailalim na lang sa general community quarantine ay pwede nang tapusin ang kasalukuyang academic year.

 

 

 

Read more...