Pabuya para makalilikha ng bakuna kontra COVID-19 itinaas sa P50M ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 08:51 AM

Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok niyang pabuya para sa sinumang makalilikha ng bakuna panlaban sa COVID-19.

Mula sa P10 milyon ay ginawa ng pangulo na P50 milyon ang alok niyang pabuya.

Sinabi ng pangulo na maari kasing isang grupo ang gumawa ng bakuna kaya paghahati-hatian pa nila ang pabuya.

Ayon pa sa pangulo, kapag may nakalikha na ng bakuna at labis siyang nasiyahan ay maaring taasan pa niya ang pabuya at gawing P100 milyon.

“I am raising the bounty to P50 million, baka sa ligaya ko, another P50 million. Kapag andiyan na at maligaya ako masyado P100 million na,” ayon sa pangulo.

 

 

 

TAGS: bounty, covid 19 vaccine, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, P50 million, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, vaccine, bounty, covid 19 vaccine, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, P50 million, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.