Duterte: I might declare martial law and there will be no turning back
Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng martial law kapag nagpatuloy ang mga rebelde sa pagpatay sa mga pulis at sundalong nagsusuplay ng pagkain sa mga residenteng apektado ng enhanced community quarantine.
Sa kaniyang public address, sinabi ng pangulo na pinakahuling insidente ang pananambang sa dalawang sundalo na nage-escort sa maghahatid ng pera sa mga tao.
Babala ng pangulo, kapag nagpatuloy ang lawlessness at patuloy ang pagpatay sa mga sundalo at pulis na naghahatid lang ng pagkain at pera sa mga residente ay magdedeklara siya ng martial law.
“Dalawang army nag-escort sa mga tao para magdala ng mga pera pinatay ninyo, kapag nagpatuloy kayo ng lawlessness ninyo patay dito patay doon maybe I will declare martial law,” ayon sa pangulo.
Dismayado si Pangulong Duterte sa New People’s Army dahil kinukuha ng mga rebelde ang suplay ng pagkain na dapat ay para sa mga tao.
Dagdag pa ng pangulo inatasan na niya ang mga otoridad na patayin ang mga rebelde.
Mayroon pa aniya siyang dalawang taon sa termino para tapusin ang mga ito.
“I might declare martial law and there will be no turning back, kung ano ang martial law na gagawin ko, akin lang yan pero kung gusto nyo. Ang utos ko sa kanila patayin kayo, patayin na, tapusin na natin ito sa panahon ko, I have two more years. I will try to finish all of you. Pati kayong mga legal magtago na kayo. You’re a bullshit you’re the legal fronts,” ayon pa sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.