BREAKING: ECQ sa NCR, Region 3, Region 4-A at ilan pang lalawigan sa Luzon extended hanggang May 15
(UPDATE) Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force na palawigin pa hanggang May 15, 2020 ang umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Sakop ng 15-araw pang ECQ extension ang sumusunod na rehiyon at lalawigan:
National Capital Region (NCR)
Region III (Central Luzon) – Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, at Pampanga
Region IV-A (CALABARZON)
Oriental Mindoro
Occidental Mindoro
Albay
Catanduanes
Benguet
Inirekomenda rin ang extension ng ECQ sa Pangasinan, Tarlac at Zambales pero subject for review pa at maari pang mabago pagsapit ng April 30.
Magpapatupad na din ng enhanced community quarantine sa iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao hanggang sa May 15, 2020 kabilang ang Antique, Iloilo, Cebu, Cebu City, Aklan at Capiz pero sasailalim pa sa re-checking.
Ikinukunsidera ding high-risk ang Davao del Norte at Davao City kaya mananatili ang ECQ dito habang ang Davao de Oro ay mananatili din ang ECQ pero sasailaim sa recheck.
Base sa rekomendasyon ng Task Force ang nasabing mga rehiyon at lalawigan ay maituturing pang high-risk sa paglaganap ng COVID-19.
Sa iba pang mga rehiyon at lalawigan na pawang moderate risk at low-risk na lamang, ipatutupad na lamang ang General Community Quarantine (GCQ).
Sa ilalim ng GCQ ay iiral ang sumusunod na gudelines:
1. Tanging ang mga manggagawa at sektor na nasa Category I, II, at III ang makapagpapatuloy sa trabaho
2. Ang general population ay papayagang makalabas ng bahay para lang bumili ng basic necessities
3. Ang mga edad 21 pababa at 60 pataas ay pati na ang mga edad 21 hanggang 59 pero naninirahan sa bahay kasama ang persons with co-morbidities o iba pang risk factors ay dapat manatili sa bahay
4. Ang mga non-leisure stores sa malls at shopping centers ay pwedeng magbukas partially
5. Ang Higher Education Institutions (HEIs) ay pinapayagan nang tapusin ang Academic Year at makapag-isyu na ng credentials sa mga mag-aaral sa ilalim ng guidelines ng Commission on Higher Education (CHED)
6. Ang priority at essential construction projects ay pwede nang mag-resume sa ilalim ng guidelines ng DPWH
7. Ang Public transportation ay maari nang mag-operate sa mas mababang capacity sa guidelines ng DOTr
8. Ang Local Government Units (LGUs) ay dapat magpatupad ng curfew sa gabi para sa non-workers
9. Ang mga Airports at seaports ay pwedeng mag-operate para hindi maapektuhan ang pagbiyahe ng mga produkto. / END
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.