20 naarestong lumabag sa hard lockdwon sa Sampaloc, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 07:39 AM

Sa unang gabi na pagpapatupad ng hard lockdown sa Sampaloc, Maynila umabot sa 20 ang naarestong lumabag.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na kuntento siya sa ngayon sa pagsunod ng mga residente.

Mayorya aniya ay sumusunod sa guidelines at mangilan-ngilan lang ang lumabag.

“Generally peaceful naman, sumusunod ang mga residente, halos lahat nagsasakripisyo,” ayon sa alkalde.

Ang mga naaresto ay dinala sa holding facility.

Katuwang ng lokal na pamahalaan ang mga pulis at sundalo sa pagpapatupad ng hard lockdown sa Sampaloc.

 

 

 

 

TAGS: hard lockdown, manila, Sampaloc, hard lockdown, manila, Sampaloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.