Kaso ng COVID-19 sa QC umabot na sa 1,085
By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 07:33 AM
Nakapagtala na ng 1,085 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Local Government, sa nasabing bilang 945 ang tukoy ng lokal na pamahalaan ang kumpletong address ng mga pasyente.
Ang iba pa ay patuloy na isinasailalim sa validation.
Mayroong 121 na pasyente ng COVID-19 ang naka-recover sa lungsod at mayroong 103 na nasawi.
22 naman ang suspected COVID-19 cases sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.