360 na crew ng MV Ruby Princess nakasakay na ng chartered flight pauwi ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 06:31 AM

Pauwi na ng bansa ang 360 na Filipino crew ng MV Ruby Princess matapos ma-stranded ng Port Kembla sa Sydney, Australia mula noong April 6.

Inasistihan ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Canberra at Philippine Consulate General sa Sydney ang mga Pinoy crew sa kanilang pagsakay sa chartered plane pauwi ng Pilipinas.

Ayon sa konsulada, lahat ng Pinoy crew ay nabigyan ng clearance para makauwi ng Pilipinas.

Mahigit 100 Filipino nationals pa ang nananatiling sakay ng MV Ruby Princess na naglalayag na mula Sydney patungong Pilipinas.

Ang mga natirang Pinoy crew ay kailangan para sa operasyon ng barko sa paglalayag nito.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, Filipino Crew, Health, Inquirer News, MV Ruby Princess, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, Filipino Crew, Health, Inquirer News, MV Ruby Princess, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.