Unang human trial ng coronavirus vaccine sa Europe nagsimula na

Sinimulan na sa Oxford, England ang unang human trial ng bakuna laban sa coronavirus.

Dalawang volunteers ang unang nabigyan ng bakuna mula sa mahigit 800 katao na inimbitahan para sa pag-aaral.

Kalahati ng 800 ay tatanggap ng COVID-19 vaccine habang ang kalahati pa ay tatanggap ng bakuna laban sa meningitis.

Binuo ng team mula sa Oxford University ang bakuna sa loob ng halos tatlong buwan.

Ayon sa mga lumikha ng bakuna, 80% silang kumpiyansa na magiging epektibo ito.

 

 

Read more...