MV Ruby Princess na namatayan ng 21 na sakay dahil sa COVID-19; bumiyahe na patungong Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 05:54 AM

Nakaalis na sa Australian ang MV Ruby Princess at patungo na ngayon ng Pilipinas.

Nasa 500 na lang ang sakay ng barko matapos makababa na sa Australia ang libu-libong pasahero nito.

Sa 35 araw na nakadaong ang barko at hindi nakabababa ang mga pasahero, umabot sa 21 na sakay nito ang nasawi dahil sa COVID-19.

Karamihan sa crew ng barko na pawing mga Pinoy ay nangangamba sa kanilang kalusugan.

Mayroon nang 370 na crew members na nakababa na ng barko at isasakay sa chartered flight patungong Pilipinas.

Pero 500 pang crew ang lulan nito habang naglalayag patungo dito sa bansa.

Ayon sa pahayag ng Ruby Princess maaayos ang kondisyon ng lahat ng 500 crew na sakaky ng barko.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, MV Ruby Princess, News in the Philippines, Princess Cruises, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, MV Ruby Princess, News in the Philippines, Princess Cruises, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.