Heat index sa San Jose, Occidental Mindoro kahapon umabot sa mahigit 48 degrees Celsius

Maraming lugar sa bansa ang nakapagtala ng mataas na heat index kahapon, Huwebes, April 23.

Ayon sa datos ng PAGASA, ang bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro ang nakapagtala ng may pinakamataas na heat index na 48.1 degrees Celsius.

Ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na heat index ay ang mga sumusunod:

Tanauan City, Batangas – 47.1 degrees Celsius
Sangley Point, Cavite – 46.6 degrees Celsius
Dagupan City – 44.6 degrees Celsius
Puerto Princesa City – 43.5 degrees Celsius

Naitala ang nasabing matataas na heat index alas 2:00 ng hapon.

Samantala sa Metro Manila umabot sa 35.2 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura kahapon.

Umabot naman sa 39 degrees Celsius ang heat index ganap na alas 3:00 ng hapon.

 

 

 

Read more...