Pilar, Surigao Del Norte niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers Northeast ng bayan ng Pilar, alas-2:00 madaling araw ng Biyernes (April 24).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...