Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 78 na

Umakyat na sa 78 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos mula sa PNP sa nasabing bilang mayroong 12 pulis na nakarecover na habang may 3 pumanaw.

Mayroon ding 96 na probable case ng COVID-19 sa PNP at 580 na suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

 

 

 

 

Read more...