COVID-19 cases sa Muntinlupa City, nasa 129 na

Umakyat na sa 129 ang tinamaan ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, naitala ang nasabing bilang ng kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (April 23),

392 ang itinuturing na ‘probable case’ kung saan 43 ang cleared na.

16 naman ang ‘suspected COVID-19 cases’ at 313 ang cleared na.

Sinabi pa sa datos na 19 residente sa lungsod ang gumaling sa sakit habang 18 ang nasawi.

Read more...