Dalawa pang kaso ng COVID-19, naitala sa Navotas

By Angellic Jordan April 23, 2020 - 09:24 PM

Nakapagtala ng dalawa pang kaso ng COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang dalawang bagong kaso ay residente sa Barangay Sipac Almacen at San Jose.

Dahil dito, umabot na sa 27 ang kabuuang bilang COVID-19 cases sa nasabing lungsod.

15 namang pasyente ang nananatiling naka-confine sa iba’t ibang pagamutan.

Batay pa sa datos, anim na residente ang gumaling sa nakakahawang sakit habang anim ang pumanaw.

TAGS: COVID-19 cases sa Navotas City, COVID-19 monitoring, COVID-19 cases sa Navotas City, COVID-19 monitoring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.