LOOK: Mensahe ni Pangulong Duterte sa paggunita ng Ramadan

By Angellic Jordan April 23, 2020 - 04:00 PM

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na maitataguyod ang kapayapaan sa gitna ng kinakaharap sa pagsubok sa bawat araw.

Mensahe ito ng pangulo kasabay ng pagsisimula ng isang buwang paggunita ng Ramadan sa Biyernes, April 24.

Ayon sa pangulo, nakikiisa siya sa mga Muslim sa kanilang “spiritual journey of reflection and contemplation” sa panahon ng Ramadan.

Hangad pa ng pangulo na maging inspirasyon sa mga Muslim ang revelations ni Allah para sa kadalisayan at kalinawan.
Umaasa rin aniya pangulo na ang debosyon at sakripisyo ng Muslim community ay magdudulot ng pagkakaisa.

“As you embody the religious insights and epiphanies you have gleaned from this undertaking, may you be moved to advance your collective resolve to eschew misguided ideologies so that we may achieve a truly progressive and inclusive society,” dagdag pa nito.

TAGS: ramadan, Rodrigo Duterte, ramadan, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.