BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 6,981

Patuloy pa rin ang paglobo ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (April 23), 6,981 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

271 ang panibagong napaulat na kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Ayon pa sa DOH, 16 pasyente ang nasawi kung kayat ang COVID-19 related deaths ay umabot na sa 462.

29 namang pasyente ang gumaling at naka-recover na sa COVID-19 pandemic.

Dahil dito, 722 na ang total recoveries nito sa Pilipinas.

Read more...