Isang preso sa New Bilibid Prison, nagpositibo sa COVID-19
Tinamaan ng COVID-19 ang isang preso sa New Bilibid Prison.
Sa inilabas na pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor), unang sinuri ang preso sa NBP Hospita at agad dinala sa sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong April 17.
Ang preso ay mula sa NBP Medium Security Compound.
Sa ngayon, sinabi ng BuCor na naka-confine pa rin ang person deprived of liberty (PDL).
Ito ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bilibid.
Bilang precautionary measure, sinabi ng BuCor na agad silang nagsagawa ng contact tracing noong April 17.
Dahil dito, 40 PDLs ang nakasailalim sa isolation simula noong April 18.
Ikinokonsidera rin anila ang mga medical staff na nag-aasikaso sa PDL patient bilang suspected case at nakasailalim na sa quarantine.
Dinala rin anila ang mga PDL na nagkaroon ng exposure sa positibong kaso sa mas malaking quarantine area sa “Site Harry” kung saan sila mas matututukan habang hinihintay ang COVID-19 testing.
Nakatutok din ang BuCor medical staff sa pagbibigay ng atensyong medikal sa lahat ng suspect PDLs at sa positibong kaso.
Tiniyak naman ng BuCor na patuloy silang nagpapatupad ng anti-COVID measures.
Nagsasagwa rin anila ang pamunuan ng NBP ng implementasyon ng operational plans kasunod ng naitalang unang kaso ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.