COVID-19 mass testing sa Pasay City, sinimulan na

Nagsimula na ang pagsasagawa ng COVID-19 mass testing sa Pasag City.

Ayon sa Pasay Public Information Office, sinimulan ang mass testing sa lungsod sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pasay LGU at Philippine Red Cross (PRC).

Bibigyang prayoridad anila ang mga sumusunod:
– May sintomas ng COVID-19
– Na-expose sa positibong kaso ng sakit
– Frontliners

Batay sa panuntunan ng Department of Health (DOH), susuriin ang mga suspected at nagkaroon ng contact sa mga kaso ng nakakahawang sakit.

Iaanunsiyo anila ng City Health Office sa mga barangay ang schedule ng mass testing.

Read more...