Nabatid na nagsasagawa ng combat patrol ang mga tauhan ng 45th Infantry Batallion ng Philippine Army sa bahagi ng Barangay Latih, Patikul nang maganap ang sagupaan.
Tumatagal ng mahigit kalahating oras ang engkwentro sa pagitan ng militar at hindi pa mabilang na miyembro ng ASG.
Tumakas naman kaagad ang mga terorista matapos ang insidente.
Nauna nang nakasagupa noong nakalipas na linggo ng militar ang mga miyembro ng ASG sa pamumuno ni Radullan Sahiron sa Patikul kung saan labing isa ang nasawing sundalo at 14 ang nasugatan.
MOST READ
LATEST STORIES