Siyam na sundalo sugatan sa panibagong engkwentro sa Patikul, Sulu

By Erwin Aguilon April 23, 2020 - 12:42 PM

Siyam na miyembro ng Philippine Army ang nasugatan sa naganap na engkwento sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Nabatid na nagsasagawa ng combat patrol ang mga tauhan ng 45th Infantry Batallion ng Philippine Army sa bahagi ng Barangay Latih, Patikul nang maganap ang sagupaan.

Tumatagal ng mahigit kalahating oras ang engkwentro sa pagitan ng militar at hindi pa mabilang na miyembro ng ASG.

Tumakas naman kaagad ang mga terorista matapos ang insidente.

Nauna nang nakasagupa noong nakalipas na linggo ng militar ang mga miyembro ng ASG sa pamumuno ni Radullan Sahiron sa Patikul kung saan labing isa ang nasawing sundalo at 14 ang nasugatan.

 

 

 

 

TAGS: ASG, encounter, Patikul, soldiers, Sulu, ASG, encounter, Patikul, soldiers, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.