LOOK: Mga residenteng nag-inuman sa Valenzuela ipinatawag ni Mayor Rex Gatchalian
Ipinatawag sa Mayor’s office ang mga residente na ng Valenzuela na nag-inuman at nagpost pa ng larawan sa kanilang Facebook.
Ipinost sa Facebook ng mga residente ang larawan nila habang nagtatagayan at nilagyan pa nila ito ng caption na “mayor hanapin mo daw kame”.
Agad naman silang natunton at pinatawag sa munispyo.
Ayon sa Valenzuela City LGU, bawal sa ilalim ng umiiral na enhanced community quarantine ang ginawa ng mga residente.
Bawal kasi ang pag-iinuman habang may umiiral na ECQ at sila ay mapapatawan ng P5,000 multa.
Kamakailan ay ipinatawg din sa office of the mayor ang ang biker na nagbisikleta patungong Roxas Boulevard habang may ECQ.
Natunton din ang biker dahil sa post niya sa kaniyang social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.