PNP handang kasuhan ang police na nakapatay sa sundalo sa QC

Nakahanda ang Philippine National Police na magsampa ng kasong kriminal laban kay Police Master Sergeant Daniel Florendo na bumaril at nakapatay sa retiradong sundalo sa Quezon City.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Internal Affairs Service ng PNP laban kay Florendo.

Kung lalabas na may pagkakamali sa panig ni Florendo ay sasampahan ito ng kaso.

Nabaril ni Florendo si Winston Ragos na isang retiradong sundalo.

Ayon sa mga pulis, mayroon umanong baril sa kaniyang sling bag si Ragos.

 

 

 

 

Read more...