Rekomendasyon ng UP na suspendihin ang klase hanggang sa December pinag-aaralan na ni Pangulong Duterte
Binibigyan ng atensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni University of the Philippines Professor Mahar Lagmay na suspendihin na muna ang klase hanggang sa Disyembre para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahalagang pag-aralan ng mabuti ni Pangulog Duterte ang rekomendasyon ng UP dahil base sa datos, ang nga estudyante ang may pinakamalaking nararating sa pagpapalaboy-laboy at contact sa populasyon lalo na ang mga vulnerable o ang mga may sakit at matatanda.
Hindi maikakaila ayon kay Roque na ang konklusyon ng UP ay epektibong pamamaraan kontra COVID-19.
Una rito, sinabi ni Lagmay na mas kakabubuting suspendihin ang klase hanggang sa Disyembre para maiwasan ang transmission ng COVID-19.
Matatandaang sinuspinde na ang klase noon pang Marso matapos pumutok ang COVID-19 sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.