Mga pasyenteng recepient ng plasma bumubuti ang kondisyon – PGH

Isang linggo matapos pormal na gamitin ang blood plasma mula sa mga naka-recover sa COVID-19 ay nakikitaan ng improvement ang mga pasyenteng recipient nito.

Ayon kay PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, sa limang pasyente na sumailalim sa blood plasma therapy simula noong Lunes ng nakaraang linggo, ang dalawa ay bumubuti ang kondisyon.

Ang dalawa naman ay naiwasan nang lumala pa ang kodinsyon.

Habang ang isa ay pumanaw dahil mayroon itong preexisting condition.

Sinabi ni Legaspi na kuntento sila sa resulta ng paggamit nila ng blood plasma.

 

Read more...