P35M na renta sa dalawang barko ng 2GO hindi na sisingilin

By Dona Dominguez-Cargullo April 23, 2020 - 08:50 AM

Hindi na sisingilin ng 2GO ang pamahalaan sa pagpapagamit ng dalawang barko nito bilang quarantine facility.

Ayon kay 2GO Group chairman Dennis Uy nakipag-usap na siya sa iba pang shareholders ng kumpanya at nagpasya silang i-waive na ang P35-million na bayarin.

Naging kontrobersiyal ang usapin matapos sabihin ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magbabayad ang gobyerno ng P35 million sa pagrenta sa dalawang barko.

Ayon kay Uy, ang halaga ng operasyon ng dalawng barko bilang quarantine facilities ay aabot sa P260 million.

Pero dahil tulong naman ang pagpapagamit nila ng dalawang barko ay nag-alok ang DOTr na magbayad pa din ng P35 million.

Ayon kay Uy hindi na nila tatanggapin ang nasabing halaga at sya na rin ang gagastos sa iba pang kailangan sa operasyon ng barko bilang quarantine facility.

TAGS: 2Go, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, P35 million, Radyo Inquirer, rent, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2Go, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, P35 million, Radyo Inquirer, rent, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.