123 pang preso sa Cebu nagpositibo sa COVID-19

Aabot sa 123 pang preso sa Cebu City Jail ang nag-positibo sa COVID-19.

Sa kabuuan, umabot na sa 312 ang bilang ng mga preso sa Cebu na nagpositibo sa COVID-19 matapos ang naunang 127 na nagpositibo.

Dalawang jail officers din ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Central Visayas ang nagpositibo sa COVID-19 at sumasailalim na ngayon sa isolation.

Nagsagawa ng mass testing sa bilangguan matapos pumanaw ang isang 41 anyos na preso noong April 19.

Read more...