Mga residente sa Sampaloc nagsimula nang mamili ng pagkain ilang oras bago ang lockdown
Marami na ang namimili sa Trabajo Market sa Sampaloc Maynila ngayong umaga.
Naghahanda ang mga residente ng iiimbak na pagkain dahil simula mamayang alas 8:00 ng gabi ay isasailalim na sa hard lockdown ang Sampaloc.
Mahigpit namang ipinatutupad ang social distancing sa mga mamimili.
May distansya sa bawat nakapila at limitado ang pinapapasok sa loob ng palengke.
Ipinatutupad ng mahigpit ang one out-one in policy sa palengke.
Nakabantay din ang mga tauhan ng Sampaloc Police Station at sinisigurong 50 katao lang ang nasa loob ng palengke.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.