Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 244

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 244 ang kabuuang kaso (Miyerkules, April 22 5:00 PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 34
Los Banos-32
Calamba – 28
Santa Rosa – 25
Biñan – 24
Santa Cruz – 18
San Pablo – 15
Cabuyao – 8
Calauan-6
Liliw – 6
Lumban – 6
Pila – 6
Victoria – 6
Bay – 5
Pagsanjan – 5
Majayjay – 4
Nagcarlan – 4
Alaminos – 3
Kalayaan – 3
Cavinti-2
Famy – 1
Mabitac – 1
Paete – 1
Pakil – 1

Sa nasabing bilang 122 pa ang naka-admit sa mga ospital, 58 ang sumasailalim sa home quarantine at 44 na ang naka- recover.

Nasa 20 naman na ang bilang ng nasawi sa lalawigan.

 

 

 

 

 

 

Read more...