Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 125 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, ala-1:24 madaling araw ng Huwebes (April 23).

May lalim na 45 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...