Sarangani, Davao Occidental dalawang beses niyanig ng magnitude 3.1 na lindol
Dalawang beses niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang pagyanig sa 193 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-12:51 madaling araw ng Huwebes (April 23) at may lalim na 1 kilometer
Sumunod naman na naitala ang pagyanig sa 115 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-3:20 madaling araw at may lalim na 143 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.