WATCH: Paglipat ng 18 COVID-19 patients sa Bilibid, inalmahan ng LGU

Umalma ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa ginawang paglipat ng Bureau of Corrections (BuCor) sa 18 pasyente ng COVID-19 mula sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, ikinagulat nila ang hakbang ng BuCor dahil ingat na ingat sila para hindi na madagdagan ang kaso ng sakit sa lungsod.

Aniya, nangangamba siya na madagdagan ang tatamaan ng sakit dahil karamihan sa mga opisyal ng New Bilibid Prison ay residente ng Muntinlupa.

Alamin ang buong ulat ni Jan Escosio:

Read more...