3,000 GeneXpert test kits, darating sa Pilipinas sa April 25
Inaasahang darating sa Pilipinas ang 3,000 GeneXpert test kits sa araw ng Sabado, April 25.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang GeneXpert test kits ay kayang magproseso at lumabas ang resulta nang wala pang isang oras.
Sinabi nito na inisyal na bilang pa lamang ng nasabing test kits ang darating sa Sabado.
Kukuha aniya ang DOH ng karagdagan pang kits depende sa magiging testing capacity ng mga laboratoryo na kayang magsagawa ng GeneXpert testing.
Sa ngayon, sinabi ni Vergeire na mayroong 16 laboratoryo sa Pilipinas na kayang magsagawa nito.
Samantala, iniulat din ng DOH na nasa 61,049 individual COVID-19 tests na ang nagagawa sa bansa.
Sa nasabing bilang, 7,797 o 12.77 porsyento ang lumabas na resulta habang 53,147 o 87 porsyento ang negatibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.