Pilipinas, naghain ng dalawang diplomatic protest sa China

By Angellic Jordan April 22, 2020 - 10:00 PM

Naghain ang Pilipinas ng dalawang diplomatic protest sa China, Miyerkules ng hapon (April 22).

Sa Twitter, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na natanggap ng Chinese Embassy ang diplomatic protests ganap na 5:17 ng hapon.

Inihain aniya ng protesta dahil sa pagtutok ng radar gun sa isang Philippine Navy ship sa karagatang sakop ng Pilipinas at pagdedeklara sa ilang parte ng teritoryo ng bansa bilang bahagi ng Hainan province.

Ayon sa kalihim, ito ay kapwa paglabag sa international law at soberenya ng Pilipinas.

TAGS: China, DFA, Diplomatic PRotest, Sec. Teodoro Locsin Jr., China, DFA, Diplomatic PRotest, Sec. Teodoro Locsin Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.