Modified lockdown, ipatutupad sa isang barangay sa Muntinlupa

Magpapatupad ng modified lockdown sa Barangay Poblacion sa Muntinlupa City.

Ayon kay Kap. Allen Ampaya, simula sa Huwebes, April 23, makakalabas ang mga residente para bumili ng ilang pangunahing pangangailangan bandang 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Hindi aniya papayagang lumabas ng bahay ang lahat ng probable at positibo sa COVID-19, maging ang kanilang pamilya.

Sinabi ni Ampaya na ang barangay ang magbibigay ng suplay tulad ng pagkain sa mga probable at positibo sa COVID-19 at pamilya nito.

“Sa lahat po ng lalabag at mahuhuli ng ating Kapulisan (PNP) at Brgy. Police ay dadalhin sa PNP HQ upang sampahan ng kaukulang kaso,” dagdag pa nito.

Read more...