War drills sa South China Sea, palalawakin ng US

By Jay Dones February 12, 2016 - 04:28 AM

 

USS-Abraham-LincolnMuling dinepensahan ng Amerika ang hakbang nito na maglunsad ng freedom of navigation operations sa South China Sea sa gitna ng tensyon sa pagitan ng China at mga bansang kapwa umaangkin sa ilang mga isla na napapaloob dito.

Ayon kay Admiral Harry Harris Jr., pinuno ng US Pacific Command, balak pa nilang palawigin ang mga nagaganap na military exercises sa naturang rehiyon.

Naniniwala si Harris na nababawasan ang tensyon sa South China Sea sa kanilang ginagawang freedom of navigation operations sa lugar.

Nais din ng Estados Unidos na magkasama-sama ang mga bansa na kaalyado ng Amerika sa paglalabas ng nagkakaisang pahayag laban sa mga kilos ng China sa pinagtatalunang lugar.

Matatandaang inakusahan ng China ang US na sadyang pinatataas ang tensyon sa South China Sea matapos ang paglapit ng isang US Navy destroyer sa isa sa mga islang kontrolado ng China sa PAracel group of islands noong January.

Una nang hiniling ng Pilipinas sa Amerika na sabay itong magsagawa ng naval patrol sa South China Sea.

Samantala, hindi naman kinumpirma ni Harris ang ulat na magsasagawa na ito ng joint naval patrol sa lugar kasama ang puwersa ng India sa loob ng taong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.