Sen. Go muling sinigurong operational ang mga Malasakit Centers para sa mga Filipino patients

April 22, 2020 - 11:21 AM

Muling siniguro ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na operational pa rin ang mga Malasakit Centers para sa mga Filipino partikular ang mga mahihirap at indigent patients na nangangailangan ng medical treatment sa gitna na rin ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ss ngayon nasa 71 Malasakit Centers daw nationwide ang nananatiling operational.

Sa isang panayam, sinabi ng senador na maliban sa assistance mula sa state-insurer Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ang Malasakit Center ay mayroon ding tatlo pang government agencies na puwedeng nakatulong para sa hospitals bills ng mga pasyente.

“Kung sakaling ‘di kayaning bayaran ng PhilHealth ay bukas po ang Malasakit Center. Meron tayong 71 Malasakit Centers all over the country. Andyan po ang apat na ahensya na handang tumulong— PCSO, DSWD, DOH at PhilHealth,” ani Go.

Dagdag niya, ang Malasakit Center ay isang one-stop shop para sa apat na government agencies na mayroong programa para magbigay ng medical at financial assistance sa may mga sakit na Pinoy.

Sinabi din ni Go na maliban sa mga pasyenteng na-ospital dahik sa COVID-19, ang Malasakit Centers ay patuloy na nag-a-assist ng mga pasyenteng dumadanas ng iba pang sakit gaya ng pneumonia at tuberculosis.

Sa mga nakaraang interview, ipinaliwanag ni Go na ang PhilHealth ay mayroong modified package para sa iba’t ibang klase nv pneumonia.

Para sa mild pneumonia, ang package rate na maipo-provide ay P43,997, habang P143,267 para sa mga moderate pneumonia; P333,519 sa severe pneumonia; at P786,384 para sa mga critical pneumonia.

Kapag ang mga pasyente raw ay indigent na na-admit sa mga government hospitals at walang kakayahang magbayad ng hospital bill, ang excess ng amount ng babayaran ay sasaluhin na ng PhilHealth gamit ang bagong case rates.

Maaari raw mag-request ang pasyente ng karagdagang assistance mula sa PhilHealth para sa evaluation.

“Bukas po ang Malasakit Center. Ang PCSO lapitan ninyo lang rin po sila sa bill na ‘di kayang bayaran at kung kailangan, pwede kayo lumapit kay Pangulong Duterte at pwede kayo lumapit sa akin,” dagdag ni Go.

Samantala, pinaalalahanan din no Go ang mga ospital sa buong bansa na panatilihin ang kanilang mandato na gamutin ang sino mang nangangailangan ng medical attention.

Nagbabala ito dahil maeami na raw ospital sa bansa ang iniimbestigahan are dahil sa mga nspaulat na hindi pagtanggap ng mga pasyente para sa emergency medical treatment.

“Nakikiusap po ako sa mga ospital, bawal pong hindi tanggapin ang pasyente, dapat ma-stabilize muna ang pasyente. Naiintindihan ko naman na takot kayo but you have to make a system na i-stabilize ninyo muna bago ninyo i-refer sa iba. Batas po ito at maaari kayong makasuhan. Marami nang ospital na iniimbestigahan base sa mga reports tulad nung sa Nueva Ecija, Caloocan at Laguna,” wika ng senador.

Una na ring nagbabala si Go sa mga ospital matapos umanong hindi tanggapin ng anim na ospital sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang isang kritikal na pasyente at ang hindi rin pagtanggap ng siyam na ospital sa Caloocan City sa senior citizen na kalaunan ay namatay.

Iginiit ng senador na base sa Republic Act (RA) No. 10932 o ang “Anti-Hospital Deposit Law” hindi raw naayon sa batas ang hindi pag-admit ng mga ospital o medical clinic sa mga pasyente.

“Ayon sa batas, kung hindi sapat ang kapasidad ng ospital, maaaring i-transfer ang pasyente sa ospital na may kakayahang magbigay ng tamang lunas,” ani Go.

Ang mga lalabag daw sa batas na hospital officials ayon kay Go ay haharap sa kaukulang kaso at posibleng makulong ng anim na taon at magmulta ng P500,000 hanggang P1 million.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.