Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 22, nasa 1,114 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 42 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 660 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 295 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nadagdagan ng lima ang nasawing overseas Filipino. Dahil dito, 159 na ang bilang ng Pinoy abroad na nasawi dahil sa COVID-19.
Pinakamarami nang naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 374 na kaso.
Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 299 na kaso, Middle East/Africa na may 162 na kaso habang ang Americas naman ay may 279 cases.